Nawawalang Ulirat

Nawawalang Ulirat

Nakatago sa ilalim ng ulap ang nagwawalang pananaw.
Lihim na sumisilip sa ibaba at nagmamasid.
Binabantayan ang bawat kilos ng naglalarong damdamin.
At sa kumpas ng hangin ay lumalangoy papalayo.

Patay-sindi ang nakalalasong binilot.
Habang pilit na ginigiling ng utak upang magluwal ng mga salita.
Saan nga ba magtatapos ang bawat kwento?
Saan nga ba mapapadpad ang nagliliwaliw na ulirat?

Sa lilim ng makapal na talahib naka upo.
Inaaliw ang usok na hindi maubos ubos.
At sa panahon ng pagtatapos muling matatakam.
Muling sisindihan at muling gagala ang ulirat sa kawalan!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s