ILUSYON NG TUWID NA DAAN

uneven road

Isa sa pinakakumita o bumentang estratehiya ng kampanya sa pambansang halalan ay ang islogang ” Tuwid na Daan” ni Noynoy Aquino. Kakabit ng papularidad ng kanyang mga magulang na si Ninoy at Cory, dinala ng islogang ito ang kasikatan ng Pangulo. Marami ang umasa at naniwala dahil na rin na ang pinalitang Administrasyon ni Gloria Arroyo ay kilala sa isa sa pinaka kurap na rehimen sa Pilipinas. Binalot ng mga kontrobersya at iskandalo ang Rehimeng Arroyo kaya’t madaling naisapwesto ang kampanyang “Tuwid na Daan” at “Kung walang kurap, walang mahirap” na mga islogan ng dilawang paksyon ni Aquino at ang Partido Liberal.

Sa unang taon ng pamumuno ni Aquino ay ang ilusyon ng Pangmasa at Matuwid na Pamamahala. Marami sa mga Pilipino ang umaasang isang araw ay maisasakatuparan ang matagal nang pangako ng Burges na Halalan; ang PAG-UNLAD ng bawat pamilyang Pilipino. Pero tulad ng hatid na pangako ng dating Pangulong Cory Aquino ng palitan nito ang Diktatoryang Marcos, nagpalit lamang ng kulay ang paksyon ng mga Nanghaharing -uring uupo sa Malacanang. Napalitan lamang ang mga pangalan sa bawat posisyon. Nabago lamang ang kung sino at kung ilan ang napapaboran. Pero nananatiling nagugutom ang marami sa mga mamamayan. Nananatili pa ring tumataas ang bilang ng maralita at patuloy pa rin ang paglaganap ng kagutuman. Nananatiling tagapagmasid lamang ang karaniwang tao sa kung anong drama at aksyon ang magaganap sa pagsasabong ng nag-aagawang Pulitiko at Angkan sa pamamahala ng bansa.

“Walang nagbago, kung meron man mas lalong pandarahop!” Sa maraming lugar sa ating bansa, usad pagong pa rin ang hinihintay na pag-unlad. Sa mas maraming lugar ay hindi pa rin nararamdaman ang presensya ng Gobyerno. Marami sa mga lalawigan ang hindi nararating ng buwis ng pamahalaan. Subsob pa rin sa kahirapan ang maraming lugar lalo na ang malalayo sa mga sentorng lunsod at bayan. Ito ay sa kabila ng pagbabandera ng Rehimeng Aquino na gumaganda na ang Ekonomiya ng bansa.

Kahit sa nagdaang Mid-term elections na kung saan nakuha ng LP ang mayorya sa mga nananalong Senador, bitbit din ng mga kandidatong ito ang pag-endorso ng Pangulo gamit ang islogang tuwid na daan. Bumuhos ang napakalaking pondo sa kampanya upang ipagkalandakan muli ang islogang ito. Sa resulta ng halalan, mukhang nagtagumpay na naman ang sikat na islogan, maliban sa mga akusasyong manipulado ng administrasyon ang eleksyon kasabwat ang Komisyon ng Halalan at Smartmatic.

Pero saan nga ba tumutungo ang Tuwid na Daan ni Pnoy? Nadadaanan nga ba nito ang kalagayan ng mga karaniwang tao? Sa tatlong taong panunugkulan ni Aquino, ipinagpapalagay nito na totoong nagtatagumpay ang tuwid na daan. Pinaniniwala nito ang sarili na gumaganda na ang buhay ng maraming Pilipino. Naglilikha ito ng Ilusyong tama ang kanilang ginagawa at dapat sumuporta ang lahat.

Kanino nga ba nagsisilbi ang daang tuwid ng Administrasyon Aquino? Malinis at tuwid na daan para sa paglilingkod sa mamamayan o tuwid at malinis na daan para sa mga dahuyang kapitalista at lokal na naghaharing uri. Maaliwalas na daan upang lalong makapagnakaw sa bayan nang walang hahadlang? Sa isang bahagi ng aking isip, hindi ko maiwasang itanong kung ang islogang ito ay nagsilbi lamang bilang Marketing Strategy ng Pampanguluhang Halalan noong 2010. Kung sakaling iyon nga ang pakay ngbpaglikha ng islogang Tuwid na Daan, masasabi kong tagumapy

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s