Pre-Determined Election: Nakaprogramang Resulta ng Halalan 2013 Part 1

Hindi ako dalubhasa sa Matematika o Istatistika. Pero kahit ang karaniwang taong katulad ko ay marunong magbasa ng mga numero lalo na kung ito ay tungkol sa Pera, Bilang ng Tao, Dami ng Paglabag, Dami ng Krimen at Resulta ng Halalan na kabilang ang sagrado kong BOTO. 

Sa nakalipas na Mid-term Elections kung saan muli na namang isinabuhay ng maraming Pilipino ang kanilang Karapatan at Obligasyong PUMILI ng mga Pinunong manunungkulan sa Senado at mga Lokal na pamahalaan, tila nababalot na naman ng napakaraming kababalaghan at kontrobersiya ang mga resulta.

electioins2013

Sa mga pag-aaral nila Ateneo Prof. Lex Muga at Ric Bahague ng Computer Professional’s Union, makikita ang PATTERN sa mga bahagdan ng botong nakuha ng Team Pnoy, UNA at mga Independienteng kandidato bilang Senador. Mula sa Unang Canvass hanggang sa Pinakahuli, nagtala ang Team Pnoy ng hating 58-59.63%. Habang ang Team UNA ay nagtala ng bahagdang naglalaro sa 30.7% hanggang 32.2%. Samantalang ang mga Independent Candiddates ay nakakuha lamang na 9.4-10.4% ng kabuuang bilang nga mga nacanvass na boto.

Sa 1st Canvass hanggang sa 16th canvass na inaral ni Prof. Muga, kitang-kita ang halos pantay na pagkakahati ng mga resulta. Posible ba ito? Na sa lahat ng lugar sa Pilipinas ay may pantay at nakapakong bahagdan ng boto ang makukuha ng bawat partido?

Marami ang nagtataka sa pagbagal ng pagbibilang ng COMELEC sa kabila nang pagmamalaki nitong pahayag na mabilis na matatapos at paiproproklama ang mga nanalong kandidato. Kaya naman kahit 25% pa lamang ng kabuuang bilang ng mga COCs ang naka Canvass, pilit nitong iprinoklama ang nauunang anim na Kandidato sa bilangan. 

Nagtataka rin ako kung bakit kahit hindi pa tapos ang pagbibilang ng mga resulta ay naiproklama ang pangpito hanggang sa ikalabing dalawang nanalong Senador kahit pa umaabot pa lamang sa lagpas kalahati ng kabuuang bilang ng mga COCs ang naita-Tally.

Sino ang totoong namimili ng mga susunod na manunun gkulan sa Senado? Ang taong-bayan o kung sino ang may hawak at kontrol sa mga PCOS machines na ito?

Itutuloy…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s