Pintura sa Pader: Sigaw ng Pulang Makata

Sa mga lansangan ng Kamaynilaan ko madalas makita ang nangangalit na mga katagang nakapintura sa mga pader ng gusali o sa mga tulay at kakalsadahan. Kadalasan, mga katagang may marahas na panawagan o di kaya’y pag-anyaya nang pagbabalikwas at pag-aalsa. Sa mga bandalismong ito ay mababasa mo ang isang mas malalim na kahulugan, mas malalim na pinag-ugatan at minsa’y mas malalim na dahilan kung bakit kailangang isulat ito sa mga pader o lansangan.

mga kwento sa likod ng pulang maskara

Sa uri ng pagpapahayag na ito masasalamin ang matinding DISGUSTO ng mga sektor o hanay ng mamamayan sa kasalukuyang sistema ng Lipunan. Ang ganitong mga panawagan ay isang uri ng propagandang INUUGAT at NAKATAMIN sa malawak na bilang ng masa. Papano ko ba ito nasabi? SIMPLE lang, kung ang mga propagandang ito ay galing sa hanay ng mga mayayaman o yung mga elitista, marahil ay nakalathala ito sa pambansang pahayagan o di kaya’y komersyal sa telebisyon o radyo. Pero ang payak at simpleng Propagandang ito ay payak at simple rin ang may-akda ngunit malaman at malalim ang pakahulugan sa mga bagay-bagay.

Isulong ang Digmang Bayan!

Kabataan Tumungo sa Kanayunan!

Imperyalismo, Ibagsak!

Noynoy tuta ng Kano.

Ilan iyan sa mga nababasa kong marka ng pinturang pula sa mga pader. Ilan lang yan sa marami galit na payahag na sumisimbolo sa walang katiyakang bukas. Sa aking sariling opinyon, may mga ganitong pangyayari sapagkat hindi kuntento ang mamamayan sa natatanggap nitong suporta mula sa Gobyerno o yung dapat ay obligasyon ng Pamahalaan sa mamamayan nito ay hindi natutugunan.

EDUKASYON

Maraming bilang ng kabataan ang nag-aaral sa malalaking Kolehiyo at Pamantasan. Mas marami dito ang pumapasok sa mga Unibersidad at Kolehiyong SUBSIDYO ng ESTADO o PAMAHALAAN. Pero kung titingnan ang istatistika ng populasyon ng mga mag-aaral kumpara sa mga walang kakayahang mag-aral sa kolehiyo ay di hamak na mas mataas ang bilang nang huli.
TRABAHO

Marami ang may trabaho sa Pilipinas at maraming Pilipino ang nagtratrabaho sa labas ng bansa. Pero di hamak na mas mataas at doble doble ang bilang ng mga walang trabaho o regular na trabaho sa bansa. Kahit sa pangunahing industriya ng Pilipinas na Agrikultura ay higit na nakararami ang mga magsasakang walang sariling lupang binubungkal. Marami sa bilang nila ang nakikisaka lamang o di kaya’y namamasukan bilang manggagawang bukid. Ang sektor ng mga manggagawa sa mga pabrika at paggawaan ay may malalim na agwat sa bilang ng reserbang lakas paggawa o iyong mga manggagawang walang trabaho o regular na pinapasukan. Ang mga Propesyunal ay nananatili ring mababa ang bilang ng nagkakaroon ng trabaho, marami pa sa kanila ay UNDER EMPLOYED at UNDERPAID. Halimbawa na lang ang mga nagsipagtapos ng Nursing, para lamang magkaroon ng karanasan sa isang ospital ay kailangan pang magbayad upang bigyan ng internship.

DESENTENG PAMAMAHAY

Paulit-ulit rin sa telebisyon ang balita ng demolisyon sa hanay ng maralitang lunsod o yung mga informal settlers, mas talamak sa bansag na ISKWATER. Lagpas sa kalahati ng populasyon ng Metro Manila ay walang sariling tahanan o nangungupahan lamang. Ang hanay ng mga maralitang lunsod ay pilit na pinapaalis sa tinitirikan ng kanilang mga bahay ng walang malinaw na plano ng paglilipatan. Ang mga demolisyong ito ay nagdudulot ng dislokasyon sa trabaho at pag-aaral. Ang masakit nito, kapag may ibinigay na malilipatan ang Gobyerno( na hindi naman sa lahat ng nasalanta ng Demolisyon) ay wala namang tiyak o plano ng kabuhayan. Sampal pa sa mga maralitang lunsod na ang dahilan ng kanilang dislokasyon ay ang mga malalaking dayuhang Kapitalistang gagamit sa mga lupang kinatitirikan ng kanilang mga kabahayan.

HUSTISYA at KARAPATAN

Tuwing ELEKSYON lamang PANTAY ang KARAPATAN ng bawat PILIPINO. Ang KARAPATANG pumili ng DIKTATOR na ihahalal at magpapahirap sa bayan. Maliban dito ay wala na. Ang Hustisya at KArapatan ay nakakahon lamang sa may ipambabayad at may kakayahang balukturin ang tuwid. Ang Hustisya ay isang ilusyong pilit ipinaglalandakan ng Naghaharing-uri para lusutan ang kanilang krimen sa malawak na bilang ng masa. Masaklap dito ay ang kawalang galang sa karapatang pantao ng mga sapilitang pagdukot at politikal na pagpaslang sa mamamayan.

IBA PA

Hindi matatapos ang akdang ito kung iisa-isahin ko lahat ng mga bagay na nag-uudyok sa mga pulang makata na isulat ang sigaw ng himagsik sa mga pader at lansangan gamit ang pulang tinta ng pakikibaka.

 

Idlip…

Sa dulo ng lahat, makatarungan lang pala ang aking mga nakikitang pulang marka sa mga pader at lansangan. May pinaghuhugutan at pinanggagalingan. Hindi kathang isip o gawa-gawa lang.

Makatarungan lamang…

Advertisements

One thought on “Pintura sa Pader: Sigaw ng Pulang Makata”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s