Araw ng Linggo: Ang Simula

image

Araw ng linggo ngayon.
Ngunit ang takbo ng oras ay walang pinagkaiba sa iba pang ordinaryong araw.
Sa parehong oras pa rin ako ginigising ng orasang humihiyaw.
Sa parehong sandali pa rin ito humihinto at napapagod sa hindi magising kong diwa.
Araw ng Linggo ngayon ngunit tulad ng ibang araw ay maagang bumangon si Rona upang tapusin ang denidesenyong bahay.
Araw ng Linggo pero maaga pa rin nakapagluto si Dong ng masarap na adobo.

Araw ng Linggo ngunit pakiramdam ko’y walang pagkakaiba ito sa iba pang araw ng buong Linggo. Tuloy pa rin sa pag-inog ang seryosong mundo.

Sa labas, kapansin-pansing mas marami ang nakaparadang sasakyan. At tulad ng iba pang araw, mahirap pa ring makahanap ng Parking Slot.

Trapik pa rin sa Edsa sa bahagi ng Shaw at Megamall. Maingay pa rin ang lansangan at nag uunahan pa rin sa pila ang mga tao sa pagtaya sa Lotto.

Araw ng Linggo pero tulad ng ibang araw ay hindi nagpapahinga ang utak ko sa pagtratrabaho. Iniisip ang mga susunod na hakbang sa operasyon ng aming negosyo. Iginuguhit sa isip ang lahat ng kailangang gawin sa darating na mga araw at kung papano mairaraos ang mga ito.

Araw ng linggo at ito ang simula ng buong linggo ko.

Sana may ika 8 araw pa ang isang buong Linggo, para sa araw ng pahinga.

Paglingon mo…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s