Ilusyon ng ” Mabuting Pamamahala”, pagpupugay kay Jesse!

Ang pagkamatay ni Dating Naga City Mayor Jesse Robredo ay nagsindi ng ilaw sa puso ng maraming Pilipino. Mula sa sambayanang Naga na kilala siya bilang isang simpleng Lider at imahe ng tapat na pamamahala hanggang sa mga masang nakilala lamang siya sa telebisyon,sa mga pagpupugay at parangal na iginagawad sa kanya pagkatapos ng kanyang pamamaalam.

Nakakalungkot nga lang isipin na NANILBIHAN ang isang simple at tapat na PINUNO sa isang Gobyernong hindi simple at hindi tapat. Nakakapanghinayang na isiping ang buhay na ginugol ni Jesse Robredo sa Reaksyunaryong Pamahalaan ay tila mawawalan ng saysay sapagkat hindi nito nagawang baguhin ang sistemang kumakain sa maraming Politikong umuupo sa estado-poder. Ang kakayahan ni Jesse na lumubog sa batayang masa at pagsisikhay na mamuhay na simple ay mas malaki ang kapakinabangan kung ang mismong sistema ng pamahalaan sa Pilipinas ay sistemang nagtataguyod ng tunay na interes ng Sambayanang Pilipino. Masasabi kong, kakaiba ang pamamaraan ng panunungkulan ni Jesse, kahanga-hanga dahil pilit niya itong iniuugat sa batayang masa, ngunit ang lahat ng ito’y magtatapos na tila isang ALAMAT na lamang.

Ang Ilusyon ng ” Mabuting Pamamahala” na ngayo’y pinangangalandakan ng Rehimeng Aquino sa pamamagitan ng iba’t-ibang uri ng midya ay nagsasamantala sa pagkamatay ni Robredo. Dahil isang sampal sa mga inutil na TRAPO ang tulad ni Robredo, mabilis na ginamit ng Administrasyong Aquino ang trahedyang ito upang makapagpalabas ng mga propagandang sumisigaw ng IDEYANG MABUTING PAMAMAHALA na ayon sa kanila’y naging istilo ng yumaong Kalihim.

Mukhang nagamit pa sa pansariling interes ng mga naghahangad ng pwesto sa susunod na halalan ang isang linggo pagluluksa para kay Robredo. Bitbit pa rin ni Noynoy ang mga TRAPONG nakahanay para sa kanyang Senatorial Slate sa Eleksyon 2013, at lahat ay may ibinibidang kwento ukol kay Jesse at sa “Tsinelas Leadership”.

Marami ring aminadong kakaiba ang pagtanggap ng maraming masa kay Jesse. Kakaiba rin ang reaksyon ng mga tao sa kanyang pamamaalam. Marami ang naghinayang, marami ang nangulila. Dahil bibihira ang tulad ni Jesse Robredo. Malamang ay uhaw na uhaw talaga ang sambayanang Pilipino sa isang Pinuno na tulad ni Jesse. Marami ang naghihinayang sapagkat marami ang hindi nakararanas ng isang MABUTING PAMAMAHALA mula sa kanilang Lider. Marami ang nagluksa, marahil sapagkat nakakalungkot isipin na PANGARAP na lamang na makakita pa tayo ng isang Jesse Robredo sa loob ng isang HINDI TAPAT NA GOBYERNO.

Talaga namang mahirap mangisda sa namamatay nang lawa. Tulad din ito ng paghahanap natin ng isang Lider na sasabuhay sa isang Mabuting Pamamahala sa loob ng nabubulok nang PAMAHALAAN.

Mahirap umani ng palay sa natungrong bukirin tulad nang pag-asa nating magkaroon ng isang mahusay na Pinuno sa gitna ng papalubog na REHIMEN at SISTEMA ng PAMAMAHALA.

Isang Malaking ILUSYON ang MABUTING PAMAMAHALA sa kasalukuyang SISTEMA NG PAMAHALAAN. Hangga’t malayo sa mas nakakaraming bilang ng MASA ang pamamalakad ng panunungkulan ay imposible ang sinasabing ito ng Malakanyang.

Ang MABUTI PAMAMAHALA ay pamamahala ng MAMAMAYAN sa sarili nitong kakayahan. ANG MAHUSAY na GOBYERNO ay isang GOBYERNO na MAMAMAYAN na pinatatakbo ng mismong MAMAMAYAN at hindi ng mga nagkukunwaring kinatawan ng batayang masa. Ang MABUTING PAMAMAHALA ay ang PAMAMAHALA ng Sambayanang PILIPINO sa sarili nitong hanay na nakaugat sa pinakamaliit na masang Pilipino.

Hangga’t ang boses ng simpleng mamamayan ay hindi nadidinig sa mga pader ng Kongreso at Senado, hangga’t ang hinaing ng maralita ay hindi dumadagundong sa bawat silid ng Malakanyang ay hindi kailanman magiging katotohanan ang isang Mabuting Pamamahala.

Simple lang naman yan, magiging tapat lamang ang panunungkulan kung tapat ang nanunungkulan at ang Sistema ng Gobyernong kanyang kinakatawan.
Isa ako sa mga Bikolanong nasaksihan ang maayos na pamumuno ni Jesse Robredo at masasabi kong bilid ako sa taong ito. “Uragon” ika nga sa aming lugar,pero labis ang aking panghihinayang na ang kulay na bumabandera at nagsasamantala sa kanyang pagkawala ay kulay ng Burgesya. Nakakalungkot na ginagawang “POLITICAL PROPAGANDA” ng dilawang grupo ang kanyang maganda at makulay na buhay mula sa MAOGMANG LUGAR ng NAGA hanggang sa iba’t-ibang lugar na kanyang binagtas.

Mula rito, pangarap na lamang ang isang Jesse Robredo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s